Panukalang pag-amyenda sa Baguio City Charter, binasura ni PBBM dahil salungat sa batas

Vineto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang panukalang pag-amyenda sa Baguio City Charter.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi tumutugma sa kasalukuyang batas at jurisprudence ang panukalang ito dahilan para ibasura ito ni Pangulong Marcos.

Batay aniya sa veto message ng pangulo, nakasaad na ang nasabing bill ay makasasama sa kapangyarihang ipinagkaloob sa Bases Conversion and Development Authority.

Isa sa mga layunin ng House Bill 7406 ay ang pag-alis sa Camp John Hay Management mula sa Special Land Use Committee ng Baguio at pagbawi sa Section 55 ng revised charter, na nagpapalawak ng land area sa ilalim ng BCDA mula 570 hectares sa 625 hectares.

Sabi ni Castro, kinikilala ni Pangulong Marcos ang poder ng BCDA.

Facebook Comments