Panukalang pag-amyenda sa tatlong taong fixed-term sa mga top officials ng AFP, inendorso na sa plenaryo

Naendorso na sa plenaryo ng Senate Committee on National Defense and Security ang panukala na nag-aamyenda sa batas na nagtatakda ng tatlong taong fixed-term sa mga top officials ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa isinumiteng Senate Bill 1849 ni Senator Jinggoy Estrada, Chairman ng komite, gagawing tatlong taon ang maximum tour of duty ng AFP chief-of-staff at apat na taon naman para sa superintendent ng Philippine Military Academy (PMA).

Sa halip na tatlong taon, gagawing dalawang taon ang maximum tour of duty ng mga major service commander’s ng Army, Air Force, at Navy.


Ang compulsory retirement age para sa one star general ay 57, sa two star general ay 58 at sa three star general ay 59 at kung sakali ipatatapos pa rin ang maximum tour of duty kung abutan man ng retirement age.

Para naman sa mga junior officers, ang compulsory retirement age ay 57.

Ang mga military official na wala nang isang taon ang compulsory retirement age ay ipagbabawal naman na ang promotion.

Inaasahan na sa amyenda sa batas na ito ay matatapos na ang pagtatampo ng mga opisyal at tauhan ng militar na naudlot ang promotion dahil apektado ng 3-year fixed term sa mga top military officials.

Facebook Comments