
Iginiit ni Senator Sherwin Gatchalian na pag-aralan munang mabuti ang panukalang payagan ang pag-i-import ng biofuel.
Ayon kay Gatchalian, mahalagang mapag-aralan at ma-compute muna kung talagang bababa ang presyo ng petrolyo sa bansa dahil kapag nag-import ng biofuel ay blended o may halo rin ito.
Tinukoy din ng senador na halos 400,000 na mga magsasaka at mga manggagawa ng planta ng ethanol ang tiyak na maaapektuhan kung papayagan ang maluwag na pag-i-import ng imported na biofuel.
Pinatitiyak ni Gatchalian na kailangan mayroong protection at safeguards ang mga magsasakang matatamaan ng pag-aangkat ng nito.
Sakali namang lumabas sa mga pag-aaral na may malaking impact sa mga consumers ang pagbili ng imported biofuels, sinabi ni Gatchalian na nakahanda ang Mataas na Kapulungan na mag-special session para maipasa ito kahit session break.










