Isinulong sa Kamara ang panukalang magpapabilis ng proseso sa pagpapawalang bisa ng kasal.
Sa House Bill 1157 na ihinain nina House Majority Leader Martin Romualdez at Tingog Siniragan Party-list Representative Yedda Marie Romualdez, kilalanin ang civil effects ng church annulment upang maging madali at hindi na dumaan sa isa pang mahabang prosesong sibil ang mga mag-asawang nais maghiwalay.
Nakalagay din sa panukala na ang mga nagdadaos ng kasal tulad ng mga pari ay may kapangyarihan ding mag-solemnize, kaya ang nullification o annulment of marriage na ginawa sa simbahan ay direktang ma-i-apply na sa civil annulment.
Ang paghahain ng panukala na ito ay kasunod na rin ng reporma na ginawa ni Pope Francis sa marriage-nullify cases.
Sa kasalukuyan, ang isang mag-asawa na napawalang-bisa na ng kasal sa simbahan ay kailangan pang dumaan sa proseso ng annulment sa korte.