Panukalang pagbaba sa age of criminal liability, pinaaapruba agad ni Speaker Arroyo

Manila, Philippines – Tiniyak ni House Speaker Gloria Arroyo ang pag-apruba sa panukala na magbababa sa juvenile criminal age liability sa siyam na taong gulang mula sa kasalukuyang 15 taong gulang.

Mismong ang Speaker ay dadalo sa unang pagdinig ng House Committee on Justice na pinamumunuan ni Representative Doy Leachon ngayong araw para matiyak ang pagratsada ng panukala sa ‘lowering the age of criminal liability’ sa mga kabataan.

Kasama sa mga tatalakayin ang House Bill 505 na layong amyendahan ang RA 10630 para ibaba sa siyam na taong gulang ang edad ng criminal liability sa mga kabataan at House Bill 2009 na layong ibalik ang criminal liability sa mga batang edad siyam pataas na nakagawa naman ng karumal-dumal na krimen.


Ang mga batang siyam na taon pababa na nasangkot sa krimen ay kailangan alisin sa kustodiya ng mga magulang o mga kamag-anak at isasailalim ang mga ito sa community-based intervention program ng local DSWD o child youth facility o Bahay Pagasa.

Facebook Comments