Panukalang pagbabawal sa candidate substitution, pinaboran ng ilang presidential aspirants

Pinaboran ng ilang tatakbo sa pagkapangulo sa 2022 national elections ang panukala ng ilang senador na repasuhin ang batas sa substitution.

Ito ay ang Senate Bill 2439 na layong amyendahan ang Omnibus Election Code.

Kabilang sa mga pumabor sina Vice President Leni Robredo, Senators Panfilo Lacson, Manny Pacquiao, Bato dela Rosa at Manila Mayor Isko Moreno.


Kung maisasabatas, papayagan na lamang ang substitution sakaling mamatay, ma-disqualify, at ma-incapacitate ang isang kandidato.

Inihain ang panukala nina Senators Sherwin Gatchalian, Juan Miguel Zubiri, Nancy Binay, Grace Poe at Joel Villanueva.

Hanggang Nobyembre 15 binibigyan ng pagkakataon ang mga kandidato na mag-withdraw at palitan ng kapartido.

Facebook Comments