Bunsod ito ng Super Typhoon Uwan, kung saan nasira at bumagsak ang tower ng isang radio station sa lungsod na nagdulot ng bahagyang pinsala sa katabing mga gusali.
Naimbitahan sa nasabing pagdinig ang iba’t ibang commercial radio stations na nakabase sa lungsod.
Ayon kay Councilor Michael Fernandez, author ng draft ordinance, ang panukala ay bahagi ng paghahanda para sa seguridad at kaligtasan ng mga Dagupeño tuwing may malalakas na bagyo.
Sa pagdinig, tinalakay ang pagbabawal sa paglalagay o pag-install ng mga radio tower sa itaas ng mga gusaling may katabing iba pang establisimyento.
Humihingi ngayon ang komite sa City Engineering Office ng standard design para sa mga radio tower o antennas na kayang makatiis sa hangin na umaabot sa 300 kph, kabilang na rin ang magiging pamantayan para sa mga billboard na posibleng itayo sa lungsod.
Ayon kay Fernandez, magsisilbing basehan ang ordinansa upang mamonitor at inspeksyunin ng Engineering Office ang mga tower o antenna at ang paligid ng gusaling pagtatayuan nito.









