Pinag-aaralan ng Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ang panukalang ordinansa na mahigpit na magbabawal sa paggawa at magtatalaga ng malinaw na regulasyon sa paggamit ng paputok at pyrotechnic devices sa lungsod.
Ayon kay Councilor Joey Tamayo sa panayam ng iFM News team, para ito sa kaligtasan ng publiko at upang maiwasan na ang mga insidente ng sunog at iba pang posibleng perwisyong naidudulot ng ilegal na paputok.
Dagdag nito, ang nasabing ordinansa ay naglalayong maprotektahan ang mga residente na mabiktima ng paputok.
Sa nasabing panukala, nakapaloob ang pagbabawal sa paggawa ng anumang uri ng paputok o fireworks.
Inaaral din kung pati ang pagbebenta ng mga ito sa lungsod ay isasama sa mga ipagbabawal.
Matatandaan na noong nakaraang taon ay nagkaroon ng ilang insidente ng pagsabog at sunog sa lungsod na may kinalaman sa ilegal na pagawaan ng paputok. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









