MANILA – Isinusulong ngayon ni Senadora Grace Poe ang panukalang pagbibigay sa mga “junior” citizen ng 20 percent discount at exemption sa Value-Added Tax.Sa ilalim ng inihaing Senate Bill No.1295 ng senadora, ang benepisyo ay ibibigay sa mga batang may edad 12-taong gulang pababa na miyembro ng pamilyang hindi tataas sa 250-libong piso ang kita kada-taon.Sakop ng nasabing discount at VAT exemptions ang mga produktong gaya ng gamot, bakuna, medical supplies, accessories at milk supplements.Gayundin ang gastos sa mga pribadong ospital, medical facilities, outpatient clinics, home health care services, dental, funeral at burial services, admission fee sa mga teatro, concert hall at amusement parks.Ayon kay Poe, layon niya sa pagsusulong ng panukala na gawing katuwang ng mahihirap ang gobyerno para mapabuti ang kanilang pamumuhay.Oras na maisabatas, kailangang ikuha ng mga magulang ng Junior Citizen Identification Card ang kanilang mga anak para matanggap ang benepisyo.Ang sinuman o anumang establisyimento na hindi tutugon dito ay papatawan ng multang P50,000 hanggang P100,000 sa unang paglabag at kapag nagpatuloy, multang P100,000 hanggang P200,000 at dalawa hanggang anim na taong pagkakakulong.
Panukalang Pagbibigay Ng 20 Percent Discount At Vat Exemption Para Sa Mga ‘Junior Citizen’, Inihain Sa Senado
Facebook Comments