Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng House of Representatives ang House Bill 9682 o ang panukalang pagbibigay ng “teaching supplies allowance” sa mga pampublikong guro na nagtuturo ng primary education curriculum sa buong bansa.
247 na mga kongresista ang bumotong pabor sa panukala at walang tumutol.
Sa ilalim ng panukala, ₱7,500 ang matatanggap na teaching supplies allowance” ng mga guro para sa school year 2024-2025 at itataas ito sa ₱10,000 sa school year 2025-2026 at mga susunod na taon.
Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang nabanggit na allowance ay hindi papatawan ng income tax.
Layunin ng panukala, na maibsan ang pasanin sa pera ng mga guro at para mabuti rin ang kanilang kondisyon sa trabaho.
Facebook Comments