Isinusulong ngayon sa Mababang Kapulungan, payagan ang pagboto sa pamamagitan ng koreo sa panahon ng Public Health Emergency o State of Calamity.
Nakapaloob ito sa House Bill 8037 na inihain ni Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos.
Kabilang sa target, makinabang sa panukala ang mga piling indibidwal tulad ng senior citizen, may kapansanan, may sakit at locally stranded individuals na rehistrado at kuwalipikadong bumoto.
Kapag naging ganap na batas ay magkakaroon ng “postal o mail-in voting system” na ipatutupad ng Commission on Elections sa local, national at overseas balloting, gayundin sa national referenda at mga plebesito.
Facebook Comments