Panukalang pagbuo ng Department of Disaster Resilience, tiniyak ni Pangulong Marcos na maisasabatas

Magiging batas ang panukalang pagbuo ng Department of Disaster Resilience.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa press briefing sa Malacañang.

Ayon sa pangulo, hindi na maiiwasan ang madalas na pagkakaroon ng kalamidad hindi lang ng lindol kundi maging ang pabago-bagong panahon o climate change na nangyayari na aniya ngayon sa Europa at Amerika.


Alam niya raw na magaling na ang bansa sa paghahanda kapag may bagyo maging sa lindol pero dapat ay maraming kapabilidad ang gobyerno lalo na sa panganib na dulot ng climate change.

Mahalaga aniya na magkaroon na ng ganitong ahensya ng gobyerno upang mas matutukan ang paghahanda sa epekto ng anumang kalamidad.

Facebook Comments