Panukalang pagbuo ng elite transport safety body, lusot na sa Senate Committee Level

Nakapasa na sa Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Senator Grace Poe ang panukalang pagbuo ng National Transportation Safety Board o NTSB.

 

Pangunahing trabaho ng NTSB ang mag-imbestiga sa lahat ng aksidente sa lansangan o sa pagbyahe sa eroplano at karagatan.

 

Responsibilidad din ng board na tiyaking nasusunod ang transport safety standards.


 

Inaatasan din ng panukala ang board na magsagawa ng pag-aaral kaugnay sa kaligtasan at pagpapabuti sa sektor ng transportasyon.

 

Nakapaloob sa Committee Report Number 8 na inilabas ni Poe na tugon ang NTSB sa tumataas na bilang ng mga aksidente kung saan tumataas din ang bilang ng mga namamatay, nasusugatan at nasisirang mga ari arian.

 

Pinalalagyan ng panukala ang bubuuing board ng inisyal na pondong 50-million pesos.

Facebook Comments