Panukalang pagbuwag sa PCGG, okay lang sa liderato ng Senado

Manila, Philippines – Bukas si Senate President Koko Pimentel sa panukalang buwagin na ang Presidential Commission on Good Government o PCGG na ang mandato ay bawiin ang umanoy ill gotten wealth ng pamilya Marcos.

Para kay Pimentel, mainam na pag-aralan ngayon ang dahilan kung bakit dapat pang manatil ang PCGG.

Punto ni Pimentel, 30 taon ng nagtatrabao ang PCGG kaya dapat ay nakamit na ang layunin ng pagkakatatag dito.


Ayon kay Pimentel, sakaling hindi pa natutupad ng PCGG ang target nito ay pwede namang ilipat na lamang sa ibang ahensya ang mandato nito.

Dapat aniya sa kasalukuyang panahon ay patapos na ang misyon ng PCGG.

Facebook Comments