Panukalang pagbuwag sa Road Board, posibleng ipitin lang ng Kamara kapag isinalang sa bicam

Manila, Philippines – Ayaw ng mga senador na isalang pa sa bicameral conference committee o bicam ang panukalang pagbuwag sa Road Board dahil sa isyu ng maanumalya umanong paghawak nito sa road user’s tax.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, posibleng ipitin lang ng Kamara ang panukala kapag nasunod ang nais nilang idinaan pa ito sa bicam.

Sabi ni Sotto, may nangyari na noon na pumayag ang Senado na dalhin sa bicam ang panukala dahil may usapan na agad iyong aaprubahan pero natengga lang dahil hindi inaksyunan ng mga kongresista.


Diin pa ni Sotto, wala ding dahilan para idaan pa sa bicam ang panukala dahil in-adopt nila ng buo ang ipinasang bersyon ng Kamara.

Batay sa proseso, hindi na ito dapat dalahin sa bicam at dapat ay lagdaan na nila ni House Speaker Gloria Arroyo ang enrolled copy ng panukala para ipadala sa Malakanyang at palagdaan sa Pangulo.

Facebook Comments