Panukalang pagdedeklara ng “National Basketball Month,” lusot na sa ikalawang pagbasa ng kamara

Nakatawid na sa ikalawang pagbasa ng mababang kapulungan ang House Bill 8268 o panukalang nagdedeklara sa buwan ng Abril ng bawat taon bilang “National Basketball Month.”

Base sa sponsorship speech ni House Committee on Youth and Sports Development Chairman Faustino Michael Carlos Dy III, layunin din ng panukala na kilalanin ang magandang epekto ng basketball sa ating kultura at lipunan gayundin sa physical activity at malusog na pangangatawan.

Nakapaloob sa panukala ang pagpapatupad gumawa ng taunang programa at mga aktibidad kaugnay sa pagdiriwang.


Halimbawa nito ang pagkakaroon ng basketball event sa mga parke, pagsasagawa ng inter-barangay, exhibition games, libreng training, coaching at officiating ng basketball.

Hiling ni Dy sa mga kasamahang mambabatas na ipasa na agad ang panukala kaakibat ang pagsuporta sa Gilas Pilipinas para sa nalalapit na 2023 FIBA Basketball World Cup.

Facebook Comments