Panukalang pagdeklara sa Ilocos Norte bilang garlic capital of the Philippines, pasado na sa House Committee Level

Inaprubahan na ng House Committee on Agriculture and Food ang House Bill 4337 o panukalang nagdedeklara sa lalawigan ng Ilocos Norte bilang “garlic capital of the Philippines”.

Ayon kay Ilocos Norte 2nd District Rep. Angelo Marcos Barba, kapag naisabatas ang panukala ay magsisilbi itong inspirasyon para mapaunlad pa ang garlic production sa Pilipinas.

Diin ni Barba, ang Ilocos Norte ay patuloy na nangunguna sa produksyon ng bawang.


Sabi ni Barba na umaabot na sa 55.7 percent o 4,161 metriko tonelada ang bawang na napo-produce ng Ilocos Norte.

Binanggit naman ng chairman ng komite na si Quezon 1st District Rep. Wilfrido Mark Enverga, ang kaparehong panukala ay naipasa ng Mababang Kapulungan sa third and final reading sa nakaraang 18th Congress.

Facebook Comments