Inaprubahan na ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill number 9870 o panukalang Housing Development Digital Connectivity Act.
Aamyendahan nito ang Presidential Decree No. 957 na nag aatas sa mga developer ng subdivision na maglaan ng 30 percent ng kanilang gross area para sa open space para sa mga parke, playground at iba pang recreational use.
Sa ilalim ng panukala ay oobligahin ang mga developer ng subdivision o mga condo na maglaan din ng espasyo para sa telecommunication facilities at infrastructure tulad ng cell sites at base stations.
Layunin ng panukala na masiguro ang tuloy-tuloy na access sa isang maaasahan at abot-kayang information and communications technology sa bansa.
Facebook Comments