Panukalang pagkuha ng PMMA ng isang kadete mula sa bawat congressional district kada school year, lusot na sa Kamara
Sa botong pabor ng 247 affirmative mga kongresista ay inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 6994.
Inaatasan ng panukala ang Philippine Merchant Marine Academy o PMMA kada school year na kumuha ng isang kadete mula sa bawat congressional district.
Para sa mga lalawigan na mayroon lamang isang distrito ay tatlong kadete ang kukunin dito.
Malinaw naman sa panukala na kailangan pa ring makapasa ang aplikante sa entrance examination at makumpleto ang requirements.
Layunin na panukala na mabigyan ng access ang mga deserving na estudyante mula sa malalayong probinsya ng pantay na pagkakataong makapag-aral sa PMMA.