Panukalang paglalaan ng P25K sa bawat mahihirap na sanggol, aprubado na sa House Committee on Higher Education

Manila, Philippines – Lusot na sa House Committee in Higher Education ang panukalang Universal Capital for Highest Education.

Sa ilalim ng House Bill 1219, maglalaan ang gobyerno ng P25,000 para sa bawat mahihirap na sanggol.

Layon ng nito na masigurong may paggastos sa kolehiyo ang bawat Pilipino.


Katwiran ng nagsusulong ng panukala sa kabila ng universal access to tertiary education, marami pa rin ang hindi nakakapag-kolehiyo dahil sa kahirapan.

Samantala, maaari lang itong makuha ng benepisyaryo pagsapit niya ng edad na 18 kung saan aabot na sa P150,000 ang kanyang matatanggap.

Pero dapat na naka-enroll sa kolehiyo at kabilang pa rin sa mahihirap na pamilya ang estudyante.

Facebook Comments