Panukalang paglikha ng Dept. of Overseas Filipinos, idinepensa ng Malacañang sa pagdinig ng Senado

Iginiit ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na malaki ang pakinabang ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa panukalang Department of Overseas Filipinos o DOFIL.

Sa pagdinig ng Committee on Labor na pinamumunuan ni Senator Joel Villanueva ay idiniin ni Nograles na magiging dedicated agency ang DOFIL na titingin sa pangangailangan at proteksyon ng mga OFW.

Sabi pa ni Nograles, hindi ito mangangailangan ng malaking budget dahil pag-iisahin lamang sa isang kagawaran ang lahat ng ahensya na may kinalaman sa OFW.


Dagdag pa ni Nograles, kapag may DOFIL na ay higit na matututukan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagsusulong at pagprotekta sa karapatan at kapakanan ng mga manggagawa sa bansa.

Dagdag pa ni Nograles, iba kapag departamento at Cabinet level ang namumuno para sa OFWs dahil direkta itong nakakapag-report sa Pangulo at mas binibigyan din ng timbang kapag nakikipag-usap sa ating mga counter parts sa ibang bansa.

Facebook Comments