Inaprubahan na ng House Committee on Public Works and Highways na pinamumunuan ni Surigao del Sur 1st District Rep. Romeo Momo Sr., ang House Bill 6345.
Ito ang panukalang paglikha ng inter-agency body na tutugon sa nakaambang krisis sa tubig.
Base sa panukala, ang nabanggit na inter-agency body ang magrerekomenda, bubuo, babalangkas at mamamahala sa implementasyon ng komprehensibong master plan para sa pinangangambahang krisis sa tubig.
Sa ilalim ng panukala, ang naturang inter-agency body ay may kapangyarihan din na pakilusin ang alinmang tanggapan ng gobyerno pati mga pribadong ahensya.
Ito ay para tumulong sa mga hakbang na reresolba sa kakulangan sa suplay ng tubig na inaasahang palalalain ng El Niño phenomenon.
Facebook Comments