Sa botong pabor ng 185 mga kongresista ay nakalusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng House of Representatives ang House Bill No. 10158 o panukalang paglikha ng Manila Bay Aquatic Resources Management Council.
Mandato nito ang pamamahala, superbisyon at pangangalaga sa mga katubigan at fishery resources ng buong Manila Bay.
Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, kasama rin sa responsibilidad ng council na tiyaking naipapatupad ang lahat ng plano, programa at mga inisyatiba para sa Manila Bay.
Layunin ng panukala na masigurado ang mabilis at episyenteng implementasyon ng mga programa ng kaukulang ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan para sa Manila Bay alinsunod sa utos ng Supreme Court (SC).
Facebook Comments