Manila, Philippines – Susuriin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga panukalang naglalayong siguruhin ang kaligtasan ng mga driver ng Transport Network Companies (TNC) gaya ng Grab at Uber.
Ito ang ginawa ng LTFRB matapos patayin ang Grab driver na si Gerardo Amolato Maquidato Jr. ng mga nagpanggap na pasahero.
Ayon kay LTFRB board member Aileen Lizada, ilan sa panukala ay ang pagpapadala ng litrato ng rider sa TNCS matapos ang booking.
Isa pa aniya sa panukala ay ang pagbibigay ng Global Positioning System (GPS) ng driver sa pamilya para matunton ang lokasyon nito.
Tiniyak naman ni Lizada na makikipag-dayalogo sila sa mga TNC hingil rito.
Facebook Comments