Panukalang pagpapalawig sa estate tax amnesty, tatalakayin na bukas ng Senado

Itinakda na bukas ang pagdinig ng Senado patungkol sa panukalang batas na pagpapalawig ng estate tax amnesty.

Apat na panukalang batas tungkol sa pagpapalawig ng period o panahon sa pagbabayad ng buwis sa ari-arian ang inihain sa Senado at sisimulang talakayin na ito bukas ng Senate Committee on Ways and Means.

Nakapaloob sa mga panukala ang pagpapalawig sa availment ng estate tax amnesty ng hanggang dalawang taon pa o hanggang June 14, 2025.


Ang deadline kasi sa aplikasyon para sa estate tax amnesty ay mapapaso na sa June 14, 2023.

Isinusulong din sa mga panukala na palawakin din ang sakop ng tax amnesty kung saan ipinasasama rito ang mga ari-arian ng mga pumanaw bago ang December 31, 2021.

Matatandaang naunang inaprubahan nitong Lunes ng Kamara ang panukalang expansion ng estate tax amnesty at inaasahang mabilis din itong pagtitibayin ng Senado.

Facebook Comments