Panukalang pagpapaliban ng Barangay at SK elections, niratipikahan na ng Kamara

Niratipikahan na ng Kamara ang Bicameral Conference Committee report ng panukapang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Batay sa inaprubahang bersyon ng Bicam ay sa huling Lunes ng October 2023 idaraos ang Barangay at SK elections na nakatakda sana sa December ngayong taon.

Ang mga mananalo sa naturang eleksyon ay manunungkulan sa November 30, 2023.


Habang hindi pa naisasagawa ang halalan ay mananatili muna ang kasalukuyang mga opisyal ng Barangay maliban na lamang kung masususpinde o maaalis sila sa pwesto.

Matapos ang halalan sa October 2023 ay idaraos na kada tatlong taon ang Barangay at SK polls.

Ang pondo na kakailanganin sa BSKE ay kukunin sa pondo ng Commission on Elections (COMELEC) o sa supplemental budget na ipapasa ng Kongreso.

Layunin ng pagpapaliban ng Barangay Elections na magamit muna sa pagtugon sa COVID-19 pandemic ang ₱8.4-billion na alokasyon dito ngayong taon at upang mabigyan din ang bansa ng panahon para makausad matapos ang divisive na 2022 national elections.

Facebook Comments