Panukalang pagpapaliban ng BSK Elections, hindi na kailangang dumaan sa House Appropriations Committee

Ayon kay Cavite 4th District Rep. Elpidio Barzaga, hindi na kailangang dumaan sa Committee on Appropriations ang substitute bill o panukalang nagpapaliban sa 2022 Barangay and Sangguniang Kabataan (BSK) Elections.

Inaprubhan na ng Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang nabanggit na panukala at ayon sa chairman ng komite na si Mountain Province Rep. Maximo Dalog, bago iakyat sa plenaryo ay idadaan muna ito sa Committee on Appropriations para sa usaping pagpopondo.

Giit ni Barzaga, ang panukala ay para lamang sa pagpapaliban ng BSK Elections at wala pang pondo para dito ang pinag-uusapan.


Paliwanag ni Barzaga, ang pagtalakay ukol sa magiging gastusin para sa susunod na eleksyon ay kasama sa gagawing paglatakay sa panukalang 2023 national budget.

Sa ilalim ng substitute bill, iuurong sa unang Lunes ng December 2023 ang BSK Elections na nakatakda sa Dec. 5, 2022 at uupo sa pwesto ang mga mananalo rito sa January 1, 2024.

Facebook Comments