Manila, Philippines – Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections ngayong Oktubre.
Sa botohan, 17 Senador ang pumabor sa panukala.
Tanging si senator Risa Hontiveros lang ang kumontra habang walang nag-abstain.
Giit ni hontiveros, gusto lang ni Pangulong Rodrigo Duterte na makontrol ang mga barangay.
Pero sa inaprubahang panukala, inalis ng Senado ang probisyon na magbibigay ng magpapahintulot sa pangulo na magtalaga ng Officer-in-Charge sa mga barangay.
Sinabi naman ng Pangulong Duterte, wala siyang hangad na magtalaga ng barangay officials.
At sa halip na ngayong buwan ng Oktubre, itinatakda ang eleksyon sa huling Lunes ng Mayo 2018.
Facebook Comments