Panukalang pagpapaliban sa Barangay at SK Elections, posibleng maka-apekto sa voter registration turnout

Inamin ng Commission on Elections o Comelec na may epekto sa kanilang preparasyon para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ang mga panawagan na ipagpaliban ang naturang halalan.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, dahil sa pagsusulong ng postponement ng Barangay at SK elections, malamang na maka-apekto ito sa turnout ng mga magpaparehistro.

Sinabi ni Jimenez na dahil sa pag-aakala ng publiko na walang katiyakan kung matutuloy ang botohan, nag-aalinlangan ang mga botante na magpatala.


Aminado si Jimenez na bahagya silang nagso-slowdown sa preparasyon para sakaling lumabas ang pasyang ipagpapaliban ang eleksyon ay hindi sila mabibigla.

Umapela naman ang Comelec sa pamilya ng mga botanteng pumanaw na, na makipag-ugnayan sa komisyon.

Ito ay upang mai-alis na sa voters list ang mga yumaong botante, at maiwasan na magamit ng ilang mga politiko sa halalan.

Una nang nanawagan sa Kongreso ang Pangulong Rodrigo Duterte na gawin na lamang sa 2022 ang Barangay at SK elections, sa halip na sa susunod na taon.

Facebook Comments