MANILA – Lusot na sa Senado ang panukalang batas na layong ipagpaliban ang Barangay at Sk elections na nakatakda sana sa Oktobre.Dalawampung (20) Senador ang pumabor para lumusot sa huling pagabasa ang panukala habang sina Sen. Antonio Trillanes at Sen. Ralph Recto lamang ang komontra.Ipinaliwanag ni Committee on Local Goverment Chairman Senator Sonny Angara, pansamantala lamang ang pagpapaliban ng halalan para maisaayos at mas maging makabuluhan ang eleksyon sa bansa, gayundin ang pagpapatupad ng SK Reform Act.Aprubado na rin sa huli at ikatlong pagbasa ng Kamara ang panukala.Sa nominal voting ng Kamara, 218 ang bomoto pabor sa postponement habang apat naman ang kontra.Sa ilalim ng panukala, ililipat sa ika-apat na lunes ng Oktobre sa 2017 ang Brgy. at SK elections.Nakapaloob din dito ang pagpapalawig ng termino ng mga kasalukuyang barangay officials hanggang sa Oktobre ng susunod na taon.Pwede na ring iakyat sa Malakanyang ang panukala para mapirmahan ni Pangulong Duterte dahil wala itong pagkakaiba sa bersyon ng Senado.
Panukalang Pagpapaliban Sa Brgy. At Sk Elections, Lusot Na Sa Senado At Kamara
Facebook Comments