Pabor si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa isinusulong na panukalang batas ni Albay Representative Joey Salceda na magpataw ng wealth taxes sa mga tinatawag na super rich na indibdwal para ma-address ang economic inequality.
Ayon sa pangulo, hindi naman daw maaapektuhan nito ang mga ordinaryong mga Pilipino kaya okay lang na ipataw ang consumption taxes sa mga luxury goods.
“For the rest of us, who are not necessarily consumers of luxury goods ay ramdam natin kapag bumagsak ang ekonomiya, ngunit kung titingnan ninyo, ‘yung mga luxury items, ‘yung mga magagarang kotse, ‘yung mga designer na damit at saka mga bag, hindi nagbabago ang presyo niyan dahil may kaya ang mga bumibili. So, palagay ko naman it’s reasonable that we will tax the consumption side of those who are consuming luxury items” – Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos
Ayon kay Salceda na siyang principal author ng House Bill No. 6993, makakakolekta ang pamahalaan ng 15.5 bilyong piso taon-taon kapag naitaas ang luxury taxes mula 20 percent hanggang 25 percent.
Ang mga non-essential goods na ito ay mga mamahaling relo, sasakyan, private jets at residential properties na mahigit 100 milyong piso.
Maging mga beverages na mahigit P20,000 at leather goods na nagkakahalaga nang mahigit P50,000.