Panukalang pagtatatag ng Center for Disease Control and Prevention, lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang House Bill 6522 o panukalang pagtatatag ng Center for Disease Control and Prevention o CDC ng Pilipinas sa ilalim ng Office of the Secretary ng Department of Health (DOH).

Pangunahing layunin ng panukala na maprotektahan ang mga Pilipino mula sa epekto ng lahat ng uri ng mga sakit.

Mandato din ng itatatag na CDC ang paglakatag ng mga istratehiya at patakaran para sa disease prevention and control.


Pamukuhuan ang CDC ng isang director general, na mayroong rank na undersecretary at itatalaga ng presidente base sa rekumendasyon ng health secretary.

Tiniyak naman ni House Committee on Health Chairman Ciriaco Gato na hindi mabubuwag ang Research Institute for Tropical Medicine o RITM, sa oras na maitatag ang CDC.

Facebook Comments