Target ng Kamara na maipasa ang panukalang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR) ngayong Nobyembre.
Ito’y sa harap na rin sunod-sunod na pagtama ng lindol sa Mindanao.
Sa isang panayam, sinabi ni na tinatalakay na ng technical working group ang nasabing panukala na layong mapabilis ang paghahatid ng tulong sa mga apektado ng kalamidad.
Aniya, aabot sa 10 Bilyong Piso ang kakailanganing pondo para mapagana ang DDR na bubuuin ng nasa 1,200 empleyado.
Balak din aniya nilang pasertipikahan itong ‘urgent’ kay Pangulong Duterte.
Umaasa naman si Salceda na marami rin ang magsusulong nito sa Senado.
Matatandaang naipasa na noong 17th Congress sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala pero hindi ito umusad sa Senado dahil sa kakulangan ng panahon.