Panukalang pagtatatag ng Dept. of Disaster Resilience, tinutulan

Manila, Philippines – Tutol si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon sa panukalang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR) na layong mapabilis ang paghahatid ng tulong sa mga biktima ng kalamidad.

Sa harap ito ng mga panawagang aprubahan na ang panukala matapos ang magkakasunod na lindol sa Mindanao.

Sa interview ng RMN Manila, iginiit ni Gordon na hindi kailangan ng bagong departamento sa halip ay nagtutulungang Local Government Units (LGUs) at mga volunteers.


Magiging palaasa lang din aniya ang publiko sa DDR.

Una rito, sinabi ni Albay Representative Joey Salceda na aabot sa P10-bilyon ang kakailanganing pondo para sa DDR.

Ngayong Nobyembre target na maipasa ng Kamara ang panukala.

Tiwala rin ang mambabatas na aani ito ng suporta sa mga senador at sesertipikahang ‘urgent’ ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments