Panukalang pahabain ang Wiretapping Period, suportado ng DOJ

Suportado ng Department of Justice (DOJ) ang panukala ng Dept. of National Defense (DND) na palawigin ng Wiretapping Period sa loob ng 90 araw.

Ito ay bilang bahagi ng pag-amyenda sa Human Security Act of 2007 na magpapalakas sa Counterterrorism Efforts.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, ang terorismo ay ikinukunsiderang seryosong banta sa National Security.


Nakikita niya na kailangang mabigyan ng mahabang panahon ang mga Law Enforcer na matukoy kung ang isang subject individual ay sangkot sa terrorist activities.

Sa ngayon, ang enforcement personnel ay pinapayagan lamang ng 30 araw na initial period, na may 30-day extension period na magsagawa ng wire-tapping.

Maliban sa DOJ, suportado rin ng Dept. of Interior and Local Government (DILG) ang proposal ng DND.

Facebook Comments