Panukalang palakasin ang Anti-Terrorism Law, inihain sa Kamara

Manila, Philippines – Inihain sa Kamara ang panukalang batas na layong palakasin ang anti-terrorism law ng bansa.

Ito ay kasunod ng suicide bombing incident sa Indanan, Sulu.

Si PBA Party-list Representative Jericho Nograles ay nag-file ng House Bill 2082, na nag-aamiyenda sa Republic Act 9272 o Human Security Act of 2007.


Ayon sa mambababatas – kailangang amyendahan ang batas at gawin itong rational, balanse, realistiko at epektibo laban sa terorismo.

Dagdag pa ni Nograles, ang mga nangyaring suicide attacks sa Sulu kung saan Pilipino ang nagsagawa ay patunay na naipapasa ng mga dayuhang terorista ang kanilang ideyolohiya sa mga local Islamic rebels.

Sa ilalim ng panukala, itinataas nito ang penalty depende sa participation ng offender.

Binibigyan ng matibay na kapangyarihan ang Anti-Terrorism Council lalo na sa telecom at internet service providers at kasama na sa konseho ang DICT, DOST, DOLE at DepEd.

Bubuo rin ng mga programa kontra violent extremism, counter-terrorism operational readiness, legal affairs, anti-terror financing at international affairs.

Facebook Comments