Panukalang palawakin ang PSHS, pasado na sa inaprubahan ng Kamara

Sa botong pabor ng 215 kongresista ay lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng House of Representatives ang House Bill No. 9726 o panukalang magpapalawak ng saklaw at operasyon ng Philippine Science High School (PSHS) sa bansa.

Layunin ng panukalang batas na palakasin ang PSHS bilang nangungunang paaralang pang-sekondarya sa larangan ng Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) education.

Nakapaloob sa panukala ang paglalagay ng tig-dalawang campus ng PSHS sa bawat rehiyon ng bansa upang mas marami itong ma-accommodate na government scholars.


Binibigyan ng panukala ng kapangyarihan ang PSHS Board of Trustees na bumuo ng mga patakaran, gabay, at mga panuntunan na kinakailangan upang mapanatili ang kalidad at pantay na pamantayan sa edukasyon sa lahat ng PSHS campuses.

Tiwala naman si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang panukala ay magpapalakas sa access sa de-kalidad, libre at globally competitive education na makakatulong sa science, technology at innovation manpower ng Pilipinas.

Facebook Comments