
Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng House of Representatives ang House Bill No. 6614 o panukala na layuning palawigin pa ang Estate Tax Amnesty hanggang December 31, 2028.
280 mga kongresista ang bomoto pabor sa panukala na layuning mabigyan ng pagkakataon ang mga pamilyang Pilipino na magkaroon ng mahaba, simple at abot-kayang presyo sa matagal nang hindi nababayarang estate taxes na karamihan ay “minana” o inherited.
Saklaw ng panukala ang ari-arian ng mga yumao na namatay “on or before December 31, 2024.”
Papayagan din ng panukala ang pagbabayad ng hulugan sa loob ng dalawang taon.
Ang House Bill 6614 ay kasama sa mga priority measures ng Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC.
Facebook Comments









