Panukalang palawigin ang kapangyarihan ng OSG, vineto ni PRRD

Manila, Philippines – Hindi pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang palawigin ang kapangyarihan ng Office of the Solicitor General (OSG).

Sa ilalim ng panukala, mas malaki ang retirement benefits ng ahensya para ma-engganyong magtrabaho sa opisina ang mga abogado.

Sa veto message ng Pangulo, sinabi nito na masyado itong mabigat para sa gobyerno.


Sisirain din aniya nito ang layunin ng pamahalaan na gawing standard ang kanilang compensation framework.

Magkakaroon din ng hindi pagkakapantay-pantay sa mga public servants.

Hinikayat ng Pangulo ang Kongreso na iprayoridad ang pagrepaso sa panukala para mapagtibay ang OSG na hindi makakaapekto sa iba pang mga polisiya.

Facebook Comments