Inihain sa Kongreso ang panukalang magpapalawig sa prangkisa ng ABS-CBN Corporation.
Nabatid na mapapapaso na ang legislative franchise ng broadcast network sa March 2020.
Matitigil ang operasyon ng network kapag nabigo ang Kongreso na itulak ang franchise extension bago ang expiration date na nakatakda sa Republic Act 7966 o ang kasalukuyang legislative license nito.
Sa ilalim ng House Bill 676 ni Nueva Ecija Representative Micaela Violago – bibigyan ng 25-year franchise extension ang ABS-CBN.
Matatandaang inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang network giant ng hindi patas na pagtrato sa kanya noong 2016 presidential elections sa pamamagitan ng hindi pag-ere ng kanyang political advertisements.
Facebook Comments