Panukalang papalitan ang pangalan ng Agham at BIR Road sa QC, isa nang ganap na batas

Papangalanan nang Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue ang bahagi ng Agham Road at BIR Road sa Quezon City.

Ito ay matapos mag-lapse into law ang Republic Act 11963 noong October 12 batay na rin sa probisyong nakapaloob sa ating saligang batas.

Ayon sa Presidential Communications Office, magiging ganap na batas ang isang panukala kapag hindi vineto ng Pangulo ang isinumiteng panukala ng Kongreso sa loob ng 30 days.


Dahil dito, minamandato na ang Department of Public Works and Highways na maglabas ng kaukulang panuntunan upang ipatupad ang batas.

Kilala si Santiago bilang kauna-unahang Pilipino at Asyanong mahalal bilang hukom ng International Criminal Court sa The Hague Netherlands pero hindi niya nagampanan ang tungkulin bunsod ng iniindang karamdaman.

Noong September 2016, pumanaw ang dating senador sa edad na 71 matapos ang pakikipaglaban sa lung cancer.

Facebook Comments