Panukalang patawan ng buwis ang single use plastic bags, lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 4102 o Single-Use Plastic Tax Act.

Sa ilalim ng panukala ay papatawan ng ₱100 excise tax ang bawat kilo ng single-use plastic.

Ipinasok din sa panukala ang pagtataas ng buwis ng 4% kada taon simula sa Enero 1, 2026.


Ang kikitain mula sa naturang buwis ay ilalaan sa mga programa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) alinsunod sa Ecological Solid Waste Management Act.

Ayon kay House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda, kapag naging batas ang naturang panukala ay tiyak mahihikayat nito ang publiko na gumamit ng environmental-friendly na alternatibo sa plastic bags para maprotektahan ang kalikasan.

Diin ni Salceda, mas makatwiran ang pagpataw ng excise tax sa mga plastic bag, kaysa sa tuluyang i-ban o ipagbawal ang paggamit nito.

Facebook Comments