Sunday, February 1, 2026

Panukalang payagang gamitin ang EDSA busway sa carpooling, dapat munang pag-aralan —MMDA

Iginiit ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes na dapat masusi munang pag-aralan ang panukalang payagan ang paggamit ng EDSA Busway sa carpooling.

Kasunod ito ng rekomendasyon ni MMDA General Manager Nicolas Torre III bilang pagtugon sa traffic congestion sa naturang kalsada.

Ayon kay Artes na 2018 pa inaaral ng ahensya ang posibleng carpooling sa lugar ngunit ilang isyu ang lumabas gaya ng high-occupancy at pagsulpot ng mga kolorum na sasakyan.

Binigyang-diin din ng MMDA Chairman ang naging magagandang benepisyo ng busway sa mga pasahero.

Kung saan aniya na sa loob lamang ng isa’t kalahating oras ay makakarating na sa MOA mula Monumento na dati umaabot sa tatlo hanggang apat na oras ang biyahe.

Bukod pa rito, malaking tipid rin aniya sa oras ang naitutulong ng EDSA Busway.

Matatandaang una nang nagpaabot ng suporta ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ilang transport groups hinggil sa proposal na ito.

Facebook Comments