Panukalang payagang makapag-mall ang mga menor de edad, pinagdedebatehan pa

Nilinaw ni Interior Secretary Eduardo Año na wala pang pinal na desisyon hinggil sa posibleng pagpapahintulot sa mga menor de edad na makapunta ng mall sa kabila ng pag-iral ng General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Ayon sa kalihim, pinagdedebatehan pa ng mga alkalde ang usapin.

Makikipagpulong din aniya ang Metro Manila mayors sa Philippine Pediatric Society at sa iba pang health experts bago maglabas ng resolusyon.


Matatandaang sinabi ni Año na maaari nang makapasok ng mall ang mga bata basta’t kasama ang kanilang magulang at mayroong ordinansa ang lokal na pamahalaan para rito.

Facebook Comments