Panukalang phase out ng mga tradisyunal na jeepney, dapat irebisa muna ayon sa grupong Move Metro Manila

Naniniwala ang grupong Move Metro Manila na kailangan ng irebisa ang naturang panukala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil maraming mga naapektuhan na mga commuter.

Sa ginawang Press Conference sa UP-QC, sinabi ni Move Metro Manila Convenor Dr. Grace Jamon na naiintindihan nila ang mga commuter pero ang problema ay hindi naiintindihan ng pamunuan ng LTFRB.

Nakikisimpatiya umano sila sa mga commuter kung saan masusi nilang pinag-aaralan ang naturang polisiya na hindi kinokonsulta ng mga pamunuan ng LTFRB sa mga mananakay na lubhang maaapektuhan ng naturamg programa.


Binigyang-diin pa ni Dr. Jamon na nakakaalarma ang naturang hakbangin ng LTFRB dahil sa hirap umano ang mga operator sa naturang programa at kapag naituloy umano ito inihahalintulad nila itong parang pandemya na kung saan napakaraming maapektuhan ng Memorandum Circular 2020-013 ng LTFRB.

Facebook Comments