Magagawa nang buo ang digitalization sa buong bansa.
Ito ang inihayag ni Department of Budget and Management o DBM Secretary Amenah Pangandaman matapos ang alokasyong P38.75 bilyon sa panukalang 2024 budget.
Ito ay 60.6% mataas kumpara sa P24.93 bilyong pondo ngayon taon para lubos na mapaigting ang serbisyo publiko.
Idinagdag ni Pangandaman na ang patuloy na pag-update sa teknolohiya at pag-maximize ng paggamit nito ay nakabatay sa layunin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magkaroon ng whole-of-government approach para pag-ugnayin digitally ang buong burukrasya, hindi lamang para sugpuin ang red tape kundi para makalikha ng mga trabaho sa lumalawak na digital na ekonomiya.
Paghahatian ng 10 ahensya ng gobyerno ang malaking bahagi ng ICT at digitalization budget.
Maglalaan din ng P990.6-milyon para sa ICT Systems and Infostructure Development, Management, and Advisory Program ng DICT.
Bukod dito, pinaglaanan din ang National Government Data Center Infrastructure (NGDCI) Program ng P1.67 bilyon na layong mabawasan ang gastusin sa pamamagitan ng colocation o cloud services sa mga ahensya ng gobyerno.