Nakalusot na sa masusing pagbusisi sa plenaryo ng Kamara ang panukalang pondo para sa taong 2025 ng ilang ahensya ng pamahalaan.
Kabilang dito ang Department of Finance (DOF), National Economic and Development Authority (NEDA), Department of Budget and Management (DBM) at kanilang attached agencies.
Pasado na rin sa plenaryo ng Kamara ang P63.57 billion na pondo para sa Hudikarura.
P54.78 billion dito ay para sa Supreme Court at Lower Courts; P171.71 million para sa Presidential Electoral Tribunal; P5.2 billion ang inilaan sa Court of Appeals; P2.37 billion para sa Sandiganbayan at P1.019 billion para naman sa Court of Tax Appeals.
Lusot na rin sa House plenary ang P3.394 billion na pondo para sa Department of Tourism at ang P281.321 billion proposed budget para sa Department of the Interior and Local Government.