Panukalang poprotekta sa bumibili ng motorcycle parts at accessories, inihain sa Kamara

Pinapatiyak ni 1-Rider Party-list Representative Ramon “Rodge” Gutierrez sa Land Transportation Office (LTO) na ang lahat ng motorcycle parts at accessories na ibinebenta sa riders ay sumusunod sa ipinatutupad na regulasyon sa modipikasyon ng motorsiklo.

Nakapaloob ito sa inihain ni Gutierrez na House Bill 6445 o panukalang “The Aftermarket Motorcycle Parts and Accessories Retail Protection Act.”

Binanggit ni Gutierrez, na may mga inilabas na pamantayan ang LTO tungkol sa aftermarket motorcycle parts at accessories.


Subalit ayon kay Gutierrez, may mga nabibili pa rin ang mga nagmomotorsiklo na mga produktong hindi naman nakasunod sa regulasyon ng ahensya.

Layunin din ng panukala ni Gutierrez na ipag-utos sa mga retailer na tiyakin ang maayos na pagi-install ng mga motorcycle parts at accessories, batay na rin sa regulasyong ipinatutupad ng LTO.

Facebook Comments