Natapos na ang pagtalakay ng Senado kaugnay sa posibleng pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.
Ayon kay Sen. Imee Marcos, isasalang na ito sa Plenary Level.
Umaasa ang Senadora na makakalusot ang postponement lalo na at malapit na sa itinakdang schedule ng Commission on Elections (COMELEC).
Sinabi ng Marcos na pinag-iisipan pa rin kung kailan ang pinal na petsa.
Suhestyon ng Senadora ay sa may 2023, pero ang ibang Senador ay sinisilip ang October 2022.
Sa panukala, i-uurong ang Barangay at SK Elecions sa may 2023 mula sa nakatakdang may 2020 dahil sa kadahilanang kailangan ng mga opisyal ng dagdag na panahon sa kanilang termino para ipatupad ang mga reporma.
Facebook Comments