Panukalang postponement ng BARMM Elections, pagkakasunduin pa kung aling bersyon ng Senado at Kamara ang susundin

Pag-uusapan pa ng Kongreso ang pinal na susundin tungkol sa panukalang postponement sa halalan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ito’y kahit pa sinertipikahang urgent ni Pangulong Bongbong Marcos, ang panukalang postponement ng BARMM elections na kamakailan lang ay inaprubahan ng Senado sa ikalawang pagbasa.

Ayon kay Senator JV Ejercito, sa Lunes pagtitibayin ng Mataas na Kapulungan ang panukala sa ikatlo at huling pagbasa at sa Martes naman inaasahang sasalang sa bicameral conference committee para sa Miyerkules ay maratipikahan na ito at maisumite na kay Pangulong Marcos.


Sinabi ni Ejercito na pagkakasunduin pa ng mga mambabatas kung ano ang susundin dahil limang buwan na pagpapaliban sa halalan sa BARMM ang bersyon ng Senado habang sa Kamara naman ay isang taon.

Aniya, pakikinggan muna nila ang kanilang counterparts na kongresista sa mga lalawigan sa BARMM na siyang mas nakakaalam sa sitwasyon at saka magdedesisyon.

Facebook Comments